Thursday, January 14, 2010

Munting Tinig



Narito ako, may mga munting pangarap.
Bawat sandali, ay hiwaga ng buhay.
Sa pagsikat ng araw, malayang daigdig.
Tinig ng kagalakan, sa hanging malinis.

Narito ako, may mga munting pangarap.
Isa't bawat sandali ay liwanag ang taglay.
Sa pagdaloy ng ulan, payapang daigdig.
Tinig ng kagalakan, daghoy ng pag-ibig.

Mga munting tinig ang aming alay.
Isang pangarap, isang pag-asa, layunin sa mundo.
Mga munting tinig ang aming alay.
Kapayapaan, kasaganahan, at pagmamahalan
Sa mundo...

Narito ako, may mga munting pangarap.
Isa't bawat sandali, ay liwanag ang taglay.
Sa pagdaloy ng ulan, payapang daigdig.
Tinig ng kagalakan, daghoy ng pag-ibig.

Mga munting tinig ang aming alay.
Isang pangarap, isang pag-asa, layunin sa mundo.
Mga munting tinig ang aming alay.
Kapayapaan, kasaganahan, at pagmamahalan

Mga munting tinig ang aming alay.
Kapayapaan, kasaganahan, at pagmamahalan
Sa mundo...
Kapayapaan, kasaganahan, at pagmamahalan
Sa mundo...

Mga munting tinig...

No comments: